^

Bansa

LRT-Balintawak balik operasyon na

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Matapos ang mahigit sa isang buwang pagka­katigil ng operasyon dahil sa naganap na banggaan ng dalawang tren ay naka­takda ng magbalik ope­rasyon sa susunod na Lunes (Marso 28) ang Light Rail Transit (LRT) mula sa Balin­tawak at Roosevelt Ave. Station.

Ayon kay LRTA spokes­man Hernando Cabrera, nakumpleto na umano ang functional testing at safety inspection ng nasabing mga istasyon.

Bukod sa re-evaluation ng LRT at MRT system ay magsasagawa pa sila ng karagdagang safety policy, re-training at semi-annual driving sa lahat ng train operators na isasailalim din sa periodic tests.

Pebrero 18 nang mag­ kaaberya ang LRT Line 1 Balintawak at Roosevelt station nang magkabanggaan ang dala­wang coach ng tren dahil umano sa pagiging abala ng isa sa mga operator nito  sa paggamit ng cellphone.

Milyong piso umano ang nawalang kita ng LRT dahil sa mahigit na isang buwan na pagkakatigil ng operasyon nito.

vuukle comment

AYON

BALIN

BALINTAWAK

BUKOD

HERNANDO CABRERA

LIGHT RAIL TRANSIT

MARSO

ROOSEVELT AVE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with