^

Bansa

Reward campaign vs Ping inilarga na

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Pormal nang inilunsad ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang P2 milyong reward campaign para sa agarang ikadarakip ni Sen. Panfilo Lacson na sinasabing utak sa Dacer-Corbito double murder case.

Ayon kay VACC Chair Dante Jimenez, ipakakalat nila ang mga donation box sa mga matataong lugar gaya ng mga shopping center para sa hakbanging ito

Apat na donation box ang inisyal na ginawa ng VACC para sa mga donors sa Luzon, Visayas, Mindanao, maging sa ibang bansa tulad ng Estados Unidos.

Bukod sa mga donation box, may bank account din ang VACC na maaring paglagyan ng deposito ng donasyon.

Sinabi pa ni Jimenez na maging ang pamilya Dacer na nakabase na sa US ay mag-i-initiate na rin ng reward campaign.

Ayon kay Jimenez, dahil sa walang balak ang DILG na maglaan ng pabuya kay Lacson, sa DOJ na lamang daw nila iti-turnover ang makakalap na pera.

Sa ngayon ay may P150,000 ng pledges ang natatanggap ng VACC.

vuukle comment

APAT

AYON

BUKOD

CHAIR DANTE JIMENEZ

DACER

DACER-CORBITO

ESTADOS UNIDOS

JIMENEZ

PANFILO LACSON

VOLUNTEERS AGAINST CRIME AND CORRUPTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with