^

Bansa

P-Noy di naimpormahan sa benepisyo ng Laguna lake rehab

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Kulang umano o hindi wasto ang impormasyog nakararating kay Pangulong Aquino ukol sa mga benepisyo ng dredging project sa Laguna Lake.

Ito ang pangunahing obserbasyon ni Kilusang Lawa Kalikasan spokesman Gil Navarro, na sinabing dapat ay alam ng Pangulo na ang silt na makukuha sa lawa ay ilalagay sa mga geotubes na ilalagay naman sa baybayin na magsisilbing panala sa papasok na tubig sa lawa.

Hiniling ni Navarro sa DENR na bigyan kaalaman si Aquino hinggil sa usapin at binigyang-diin na ang kumpanyang nagsasagawa ng dredging ay umayon na suportahan ang rehabilitasyon ng Marikina Watershed, na nagtatambak ng higit sa 4 milyong metriko tonelada ng silt kada taon sa iba’t ibang daluyan ng tubig na tumutuloy sa Laguna Bay.

Iginiit niya na ito ang “technical flaw” ng proyekto na sinasabi ni DENR Secretary Ramon Paje at idinadahilang balakid sa pagpapalabas ng notice to proceed para sa proyekto.

Ang kumpanyang Belgian na nagsasagawa ng proyekto ay may 100 taong karanasan sa pagprotekta sa Belgium at iba pang bansa sa pananalasa ng nag-aalimpuyong tubig dagat at nakumpleto ang mga proyekto nito sa Tsina, South Korea at Hong Kong nang walang kwestyon, dagdag ni Navarro.

Nanawagan siya sa Palasyo na isaisip ang mga benepisyo ng dredging project sa mga mamamayan ng Laguna at Rizal na bumilang ng linggo na nakalubog sa tubig dahil sa mga bagyong Ondoy at Pepeng noong nakalipas na taon.

vuukle comment

GIL NAVARRO

HONG KONG

KILUSANG LAWA KALIKASAN

LAGUNA BAY

LAGUNA LAKE.

MARIKINA WATERSHED

NAVARRO

PANGULONG AQUINO

SECRETARY RAMON PAJE

SOUTH KOREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with