^

Bansa

Comelec target maabot 3 milyong botante sa Setyembre 30

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang Commission on Elections (Comelec) na maaabot at maaaring malampasan pa nila ang 3 milyong botante na target nilang mairehistro para sa 2025 National and Local Elections (NLE).

Sa datos na inilabas ng Comelec, hanggang nitong Abril 26, 2024 pa lamang o limang buwan pa bago ang deadline ng voter registration sa Setyembre 30, ay nakapagtala na sila ng 2,397,555 na aplikante sa isinasagawang voter registration.

Ito ay kulang na lamang ng 602,445 aplikasyon upang makumpleto ang tatlong milyong target.

Pinakamaraming nagpatala sa Region IV-A o Calabarzon na may 439,842 registrants.

Sumunod dito ang National Capital Region (NCR), 357,801; Region 3 (Central Luzon), 276,199; Region VII (Central Visayas), 171,942; at Region XI (Davao Region), 130,632.

Sinimulan ang voter registration sa bansa noong Pebrero 12 para sa May 2025 midterm polls.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with