^

Bansa

Taguig gumastos ng P1.5 bilyon sa basura?

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Habang naghihinga­lo ang Taguig Hospital, umaabot naman umano sa P1.5 bilyon ang ginasta ng Taguig City Hall sa hauling ng basura mula 2001 hanggang 2010.

Ibinunyag ni Konsehal at Minority Leader Noel Dizon ang tinawag niyang “Basurahan Scandal” na kung saan sinasabing umutang, nag-angkat, at bumili ng mga imported na basurahan si Taguig City Mayor Freddie Tinga.

Matibay ang paniniwala ni Dizon, tumatakbo ulit bilang konsehal sa 2010 elections, na baka may bahid ng anomalya ang transaksyon dahil sobrang mahal ng mga basurahan.  

“Dapat suriin sa Commission on Audit ang mga naturang transakyon dahil sobrang mahal ng pagka­kabili ng basurahan. Umutang si Mayor Tinga sa basura ng tumatagin­ting na P112,000,000 para rito,” wika pa niya.

Dagdag pa ni Dizon, lumobo nang todo ang budget sa basura mula 2001 hanggang 2010 habang ang budget para sa pangkalusugan ay sobrang mababa.

Ang paglobo ng budget sa basura ay taliwas di­uma­no sa plataporma ni Tinga nung siya ay unang tumakbo sa pagka-mayor nung 2001. Sabi ni Tinga ay hindi dapat mataas ang budget sa basura dahil ito ay sanhi ng korupsyon.

vuukle comment

BASURAHAN SCANDAL

DAGDAG

DAPAT

DIZON

MAYOR TINGA

MINORITY LEADER NOEL DIZON

TAGUIG CITY HALL

TAGUIG CITY MAYOR FREDDIE TINGA

TAGUIG HOSPITAL

TINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with