November 27-28, non-working holiday
MANILA, Philippines - Idineklara ni Pangulong Arroyo na national holiday ang Eid’l Adha tuwing November 27-28 hindi lamang sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) kundi sa buong bansa.
Sa ipinalabas na Proclamation 1808 ni Pangulong Arroyo, ang isa sa malaking pagdiriwang ng mga Muslim sa bansa na Eid’l Adha tuwing November 27-28 ay dapat lamang ipagdiwang hindi lamang ng mga Muslim kundi pati ng mga Kristiyano.
Nakasaad pa sa kautusan ni Mrs. Arroyo, dapat lamang na maging national holiday ang Eid’l Adha o feast of sacrifice tulad ng pagdiriwang ng mga Kristiyano sa Pasko, Easter Sunday at All Saint’s Day.
Inamyendahan ng nasabing kautusan ng Pangulo ang Republic Act 9492 na nagtatakdang regional holiday ang pagdiwang ng Eid’l Adha tuwing November 27-28 sa ARMM. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending