^

Mga bilanggo pwede nang bumoto sa 2010

() - June 4, 2009 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pinayagan na ng Commission on Elections (Comelec) na makaboto sa 2010 elections ang mga bilanggo sa bansa kasunod nang ginawang pag-apruba ng poll body sa resolusyon para sa pag­paparehistro at pagboto ng mga detainee.

Ayon kay Comelec Commissioner Rene Sar­miento, ang pinuno ng technical working group (TWG) para sa detainee voting, kabilang sa mga pa­payagang makaboto ay ang mga detainee o indibidwal na nasa kulungan ngu­nit hindi pa napapatawan ng sentensiya, at ipinagpapa­lagay pa ring inosente kaya’t nananatili pa rin ang kanilang “right of suffrage” o karapatang makaboto.

Na­pagkasun­duan din na ang Comelec ang mag­papa­tupad ng registration at voting ng mga detainee, at hindi ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ayon kay Sarmiento, matagal nang panahon na hindi pinapayagan ang mga detainee na makaboto dahil na rin umano sa mga legal at administrative limitations. (Mer Layson)

AYON BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY COMELEC COMELEC COMMISSIONER RENE SAR DETAINEE MER LAYSON PINAYAGAN SARMIENTO SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with