^

3 opisyal ng DPWH, 5 contractors ipapatawag ng NBI

() - May 10, 2009 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nakatakdang ipata­wag sa Lunes ng Natio­nal Bureau of Investigation (NBI) ang ilang opis­yal ng Department of Pub­lic Works and Highways (DPWH) at mga pri­badong contractor kaug­nay sa isinasagawa ni­tong imbestigasyon upang tukuyin ang mga pulitiko at iba pang opisyal ng pa­mahalaan na ayon sa World Bank (WB) ay tumu­tulong umano upang mani­­­pula­hin ang bid para sa nationwide road project nito.

Ayon kay NBI spokesman Atty. Ric Diaz, mag­papalabas na sila ng subpoena sa limang miyem­bro ng DPWH Bids and Awards committee, gayun­din sa tatlong pribadong kumpanya na lumahok sa umano’y kuwestyo­nableng bidding.

Tumanggi naman si Diaz na pangalanan ang mga nasabing persona­lidad dahil ang detalye umano ng imbestigasyon ay nananatiling confidential.    

Siniguro din ni Diaz na simula sa susunod na linggo ay magiging “full blast” na ang kanilang im­bestigasyon sa kontro­ber­siya at posibleng sa Lunes ay magsimula na rin silang mag-isyu ng subpoena.

Nilinaw din ni Diaz na ang pagpapatawag sa mga nasabing perso­na­lidad ay bahagi lamang ng kanilang “forensic accounting” upang bumuo ng mga ebidensiya na kinakailangan.

Kinakailangan rin uma­no nila ng mga documentary at testimonial evidence ng sabwatan bago sila mag­rekomenda ng prosekusyon.

Ang NBI ang naata­sang manguna sa imbes­tigasyon laban sa mga private contractors at mga indibidwal na posibleng sangkot sa World Bank (WB) road fund anomaly.

Samantala, ayon kay Diaz, hindi pa tiyak kung ipatatawag din si First Gen­tleman Jose Miguel Arroyo, na matatandaang naka­ladkad din ang pa­ngalan sa naturang ano­malya. (Gemma Amargo-Garcia)


BIDS AND AWARDS BUREAU OF INVESTIGATION DEPARTMENT OF PUB DIAZ FIRST GEN GEMMA AMARGO-GARCIA JOSE MIGUEL ARROYO SHY WORLD BANK
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with