^

Bansa

P18M patong sa ulo nina Joma et al

-

MANILA, Philippines - Ipinalabas kahapon ng pamahalaan ng P18 mil­yong pabuya sa sinumang makakapagbigay ng im­por­masyon sa ikadarakip sa mga sangkot sa pag­paslang sa mga media men sa Pilipinas.

Kabilang sa isinasang­kot ng militar sa pagpatay sa mga mamamahayag ang tagapagtatag ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army na si Jose Maria Sison at iba pang lider ng CPP-NPA.

Ito ang nabatid kaha­pon kay Philippine National Police spokesman Supt. Nicanor Bartolome baga­man nilinaw niya na ang P18 milyong reward na magmumula sa Department of Interior and Local Government ay bukod pa sa P25 milyong reward na ipinalaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para madakip ang mga lider-komunistang sangkot sa pagpatay sa ilang political personality.

Ayon kay Bartolome, maraming lider at miyem­bro ng NPA ang sangkot sa pagpatay sa mga media men.

Bukod kay Joma, kabi­lang umano sa sangkot sa naturang mga patayan ang tagapagsalita ng NPA na si Gregorio Rosal alyas Ka Roger at 20 pang perso­na­lidad sa kilusang komu­nista. Ang iba umanong suspek ay mga hired killer.

Sinabi pa ni Bartolome na magpapalabas sila ng mga poster ng mga sus­pek.

Sina Sison at Rosal ay kapwa isinasangkot sa pagpatay sa reporter na si Nelson Nadura sa Mas­bate.

Batay sa tala, si Na­dura na isang broadcaster ng DYME radio Masbate ay dating miyembro ng NPA na pinagbabaril ng hinihinalang mga dati niyang kasamahan sa kilusang komunista sa tapat ng kanilang radio station sa Masbate noong Disyembre 2, 2003. (Joy Cantos)

vuukle comment

BARTOLOME

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

GREGORIO ROSAL

JOSE MARIA SISON

JOY CANTOS

KA ROGER

MASBATE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with