Sharon, aminadong mababa ang vocal register ni Kakie!

Nanood nga si Sharon Cuneta ng Gary V: Back At The Museum noong Huwebes ng gabi.
Kasama niya si Sen. Kiko Pangilinan at ang bunsong anak nilang si Miguel.
Pangalawang beses na raw itong panonood ni Sen. Kiko, at ang anak nilang si Miguel ay pangatlo na raw.
Ngayon pa lang nakapanood si Sharon dahil sa naging abala siya noon sa taping ng Honor Thy Mother. “Yes! Kasi, ‘di ba, I was busy taping Honor Thy Mother everyday, Diyos ko halos everyday. Tapos nasisingit naman ‘yung ibang trabaho ko, if not taping.
“So this really the first time na nakapunta ako rito, and I’m so happy,” masayang pahayag ni Sharon nang sumingit ako ng quick interview bago lumabas si Gary V.
Nakangiti lang all throughout si Sharon habang nagpo-front act ang anak niyang si Kakie. At parang maluha-luha siya nang kinanta ng anak ang Mr. DJ.
Hindi naman daw siya emotional sabi ni Sharon. Mas nae-excite raw siya. “We do it all the time at home. Oo. Pero hindi ‘yung buong ganito... ‘yung Mr. DJ, my first hit, ‘di ba? Super touched ako! We’re very close e. So, proud na proud kami na hindi kami makapaniwala. And I can’t believe she’s 26... and this is her second...”
Sumingit si Sen. Kiko ng “She’ll be 26…”
Binawi naman ni Sharon ng, “She’ll be. Dine-delay niya. So, I’m very proud of her. I’m very touched also.”
Iba naman daw talaga ang style ni Kakie, kaya iba ang atake nito sa mga kanta niya. “Iba! Mas mababa ang vocal register niya,” pakli niya.
Tinanong nga namin kung alin sa mga awitin niya ang gusto niyang ipamana sa anak. “Sila mamili. Siya mamili kung ano ‘yung gusto niya. Open library,” pakli niya.
Ang isa pang ipinagmamalaki ng Megastar ay pawang likha raw ni Kakie ang mga kinanta niya. “Alam mo lahat ng songs na kinanta niya, siya ang sumulat. Her whole album. Yeah! So ang tagal niya ginawa talaga. All throughout college. Nag-graduate pa siya, ‘di ba?” impormasyon nito.
Bukod sa pagkanta, nasubukan din ni Kakie ang umarte, na kung saan bahagi siya sa pelikulang Edjop.
Nasa anak na raw niya ang desisyon kung saan nito gustong mag-focus. “Magaling siya pareho, and I’m very proud of her. And I want her to do what she feels like doing. What she’s happiest doing. So, kung acting ‘yun, singing ‘yun, gawin niya lahat. Habang bata pa siya,” sambit nito.
Kaya ang lagi raw niyang ipinapayo kay Kakie, “Yes. Just be yourself and be humble always.”
Napag-usapan na rin namin ni Sharon ang katatapos lang niyang drama series na Honor Thy Mother.
Totoong napagod daw siya sa taping ng naturang drama series. Pero masaya raw siya, at lalo pa nga siyang ginanahang gumawa pa ng mga drama series na gusto niya. “Napagod, more than anything else, dahil siguro sa age ko. ‘Yung energy level ko, hindi na pareho ng noon. Pero this really... I mean thanks to our directors, and Barbie (Forteza), to John (Estrada), Khalil (Ramos), at sa lahat ng kasama namin.
“Primary, na-ignite ‘yung passion ko sa acting. Kasi parang natuwa ako sa role ko na iba naman,” saad niya.
Sabi nga ni Sen. Kiko, ngayon lang daw siya naiyak sa ginawang series ng kanyang asawa. “First time sa 30 plus years... sa eksena niya. (Naiyak) Pero hindi ko sinabi. Sabi ko, kaya pala number one,” sambit ni Sen. Kiko.
Namimili raw siya ngayon sa mga script na ipinadala sa kanya kung alin ang susunod niyang gawin. “Yes! Reading some scripts. Waiting for something storylines to come. May movie scripts e. I’m looking some. But I really love to do a TV drama again,” sabi pa ni Sharon Cuneta.
Vertical serye, pinasok na rin ng mga beterano!
Tuluy-tuloy ang pagpo-produce ng bagong vertical series ng bagong digital streaming platform na Kayaflix.
Nung inilunsad ito nung nakaraang buwan, may 11 series ito, at ang pinakamalakas ay ang Boys’ Love series na Dulo’t Dulo na pinagbidahan nina Migs Almendras at Sky Quizon.
Sabi ng director ng mga content nila na si Maki Javier, hanggang end of November na ang streaming nito.
Marami pa ring artista, lalo na ang mga beterano na hindi nagbe-vertical, pero sa mga kabataang artista sa ngayon ay tanggap na nila at nakapag-adjust na sa bagong platform na ito.
Pero meron pa rin daw na naninibago.
Mabuti at medyo nasasanay na raw ang iba lalo na ‘yung na-train sa Star Magic at Sparkle ng GMA Artist Center. “Kasi, karamihan din naman po nakapag-vertical na e. Pero ‘yung mga hindi nakapag-vertical, nakikita ko ‘yung struggle. Kasi siyempre, ito lang ‘yung ginagalawan e.
“So ‘yung ibang artista talaga, sanay na malikot ‘yung naiikutan nila na galawan. So, ‘yun ‘yung pinaka-main difference. Pero ang mabilis ‘yung ano rin, kasi feeling ko ‘yung na-train na ng Star Magic at Sparkle. So, medyo alam na. So, aware na sila. Sanay na sila na kapag nilimitahan mo sila, ito lang ‘yung gagalawan nila.”
Ilan sa mga artistang sanay na sa vertical o micro drama ay sina Karina Bautista, Migs Almendras, Sky Quizon, Angelica Lao Tommy Alejandrino, Mary Joy Apostol, Raven Rigor, Inah Evans at Ej Jallorina.
May ilan na ring veteran stars at theater actors na gumagawa na rin nito.
Diyan nga raw kabado si Direk Maki, dahil mga veteran actor na sila. “May pressure sa akin. Kasi sila Sir Joel (Saracho), naka-work ko po sila intern pa ako sa theater. Tapos ngayon, siyempre nakakatakot magdirek kahit papano,” napangiting pakli ni Direk Maki.
Sa totoo lang, naging habit na ng karamihan na manood ng mga vertical drama sa kanilang telepono. Kaya purisigido ang mga taga-Kayaflix na gumawa pa ng mga bagong series na tutukan.
Pero itong Kayaflix ay para sa mga batang filmmaker, kaya mga nasa huling henerasyon din ang viewers nito.
- Latest




















