^

Bansa

Ayuda sa mga may kapansanan patuloy

-

MANILA, Philippines - Patuloy ang pamahalaang lungsod ng Caloocan sa pagsasagawa ng mga programang nakatuon sa pagtulong sa mga residenteng kabilang sa persons with disability (PWDs).

Binigyang-diin ni Caloocan City Mayor Enrico ‘Recom’ Echiverri na mahalagang mabigyan ng pare­hong oportunidad at serbisyo ang mga kabilang sa sektor na ito na tulad ng mga residenteng walang kapansanan.

Sa pinakahuling kampanya ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng City Social Welfare Department (CSWD), natukoy ang mahigit 800 persons with disability na nangangailangan at nabigyan ng pangunahing tulong.

Idinagdag pa ng alkalde na nakapili rin ang pamahalaang lungsod ng mga espesyal na atleta o special athletes mula sa kanilang hanay na nakasali at nagwagi sa idinaos na 12th Special Olympics Philippines National Games nitong Marso sa Lingayen City.

Bukod pa rito, nakatakda namang ibahagi ng CSWD sa buwan na ito ang mahigit 40 karagdagang wheelchair para sa mga PWDs.

vuukle comment

BINIGYANG

BUKOD

CALOOCAN

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CITY SOCIAL WELFARE DEPARTMENT

ECHIVERRI

IDINAGDAG

LINGAYEN CITY

MARSO

SPECIAL OLYMPICS PHILIPPINES NATIONAL GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with