Lantsa lumubog: 39 patay!
- Joy Cantos () - November 5, 2008 - 12:00am

Tatlumpu’t siyam ka­tao ang kumpirmadong nasawi habang 76  ang nailigtas makaraang ak­sidenteng lumubog ang isang pampasaherong lantsa na binalya ng ma­lakas na alon at hangin sa karagatan ng Masbate kahapon ng hapon.

Ayon kay Masbate Provincial Police Office (PPO) Director Sr. Supt. Reuben Theodore Sin­dac, dakong ala-1 ng ha­pon nitong Martes nang lumubog ang lantsang Don Dexter Cathlyn  sa karagatang sakop ng Brgy. Magcaragit, Dima­salang ng lalawigang nabanggit.

Biyaheng Bulan ang lantsa galing sa Dima­salang nang biglang hampasin ng super lakas na hangin at alon may 5 kilometro ang layo mula sa dalampasigan.

Kabilang sa nareko­ber na bangkay ay tatlong babae at tatlong sanggol.

Sa inisyal na imbes­ti­gasyon, ayon kay Sindac, nabatid na may 119 ang pasahero na nasa manifesto ng nasabing lantsa ng mangyari ang insi­dente.

Kabilang naman sa sinisilip na anggulo sa paglubog nito ay ‘overloading ‘habang patuloy ang isinasagawang search and rescue operations sa apat pang nawawalang biktima.

AYON BIYAHENG BULAN BRGY DIMA DIRECTOR SR. SUPT DON DEXTER CATHLYN KABILANG MASBATE PROVINCIAL POLICE OFFICE REUBEN THEODORE SIN SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with