^

Bansa

‘Palayain n’yo asawa ko!’

-

Walang kasalanan ang asawa ko! Palayain niyo na siya!

Ito ang mangiyak-ngi­yak na sinabi ni Leah Go­mo­lon, asawa ni Ri­cardo “Egdar” Gomolon, suspek sa Cabuyao Laguna RCBC massacre nang humarap sa media kamakailan.

Sinabi ni Mrs. Gomo­lon na walang kinalaman ang kanyang asawa sa naga­nap na krimen dahil noong hulihin umano ito noong Mayo 24 ng taong ito, na­kapila lamang ito sa isang tindahan para bu­mili ng NFA rice at basta na la­mang dinala ng mga awto­ridad sa kasong illegal possession of firearms.

Hindi rin anya maka­twi­ran ang ginawang pag­pri­sinta sa media ng mga pulis sa kanyang asawa ga­yung wala naman itong ki­nalaman sa RCBC massacre.

Niliwanag naman ng abogado ni Gomolon na si Atty. Jose Solis, na maka­raang makapagpiyansa si Richard sa kasong illegal possession of firearms, bigla na lamang siyang inakusahan sa RCBC massacre.

Anya, itinuro lamang ng umano’y informant na si Gomolon ang isa sa mga nasa likod ng natu­ rang krimen kaya hinaha­nap nila ngayon ang informant na ito. Kinuwestyon din ni Solis kung bakit naisama si Gomolon sa mga suspek sa masaker gayung naituro lamang ng isang bata ang litrato nito at hindi man lamang napagbigyan na personal na maituro ito ng bata na sinasabing nag­sangkot kay Gomolon sa krimen. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

ANYA

CABUYAO LAGUNA

GOMOLON

JOSE SOLIS

LEAH GO

MRS. GOMO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with