^

Bansa

Enrile at Biazon nagkapikunan

-

Matinding galit ang ipinakita kahapon sa Senado ni Sen. Juan Ponce Enrile Jr. sa kapwa senador na si Rodolfo Biazon dahil sa paggamit ng huli ng salitang “so called 1986 Edsa revolution” na para sa una ay isang pagmamaliit sa kaysaysan ng people power.

Inamin ni Enrile na masyado siyang “na-offend” nang marinig niya ang komento ni Biazon na “so called” Edsa revolution kaugnay sa Senate Resolution 395 ni Senate President Manuel Villar na nagbibigay ng komendasyon sa outstanding Philippine soldiers of 2008.

“Kami itinaya namin ang buhay namin. Kung walang kuwenta sa inyo, sa amin may kuwenta,” sabi ni Enrile matapos pansamantalang suspendihin ang sesyon.

Ayon pa kay Enrile, hindi dapat tinatawag na “so called” lamang ang Edsa people power 1 dahil dito naiba­lik ang demokrasya ng bansa.

Matapos ang ilang minuto, nilapitan ni Biazon ang upuan ni Enrile, pero hindi pa rin tumigil sa pag­sasalita ang huli at nasermunan si Biazon. (Malou Escudero)

AYON

BIAZON

EDSA

ENRILE

ENRILE JR.

MALOU ESCUDERO

RODOLFO BIAZON

SENATE PRESIDENT MANUEL VILLAR

SENATE RESOLUTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with