^

Bansa

MM mayors nagdeklara ng suporta sa Pangulo

-

Nagpahayag kahapon ng kanilang todong pagsuporta kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Metro Manila Mayors League sa pangunguna ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr.

Sinabi ng mga alkalde ng kalakhang Maynila sa kanilang resolusyon na ang nagaganap na ingay-pulitika ay hindi nakakatulong upang lalong umunlad ang ekonomiya at lalong hindi ito nakakatulong upang makahikayat tayo ng mamumuhunan.

Anila, dapat ay isara na ng Senado ang imbestigasyon sa NBN-ZTE deal dahil nagiging sanhi ito ng pagkakawatak-watak ng taumbayan at nagiging dahilan upang manghusga kaagad ang mamamayan kaysa magkaroon ng tunay na hustisya sa pagnanasang makamit ang katoto­hanan.

Idinagdag pa ng mga alkalde, pagod na ang taumbayan sa mga away-pulitika at mas nais ng taumbayan na asikasuhin ng mga pulitiko na mapaunlad lalo ang ekonomiya at pamumuhay ng Filipino. (Rudy Andal)

vuukle comment

ANILA

IDINAGDAG

MAYNILA

METRO MANILA MAYORS LEAGUE

NAGPAHAYAG

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

QUEZON CITY MAYOR FELICIANO BELMONTE JR.

RUDY ANDAL

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with