^

Bansa

PASG pabuwag ni’yo! - Villar

-

Hinamon kahapon ni Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) at Task Force Subic Chief Antonio “Bebot” Villar ang ilang mambabatas na totohanin ang banta nila na ipapa­buwag ang kanyang pina­mumunuang ahensiya kapag hindi ito tumigil sa paghuli ng mga smuggler.

Ayon kay Villar, nagalit ang ilang mambabatas dahil sinita niya kamakailan ang mga kargamento nila na papasok sa bansa dahil bukod sa kaduda-duda ang laman ng mga ito ay maba­ba pa ang binayarang buwis sa gobyerno.

Binanggit ni Villar ang isang mambabatas na na­galit dahil iniimbestigahan ng PASG ang kanyang kum­panya sa Subic maka­raang matukoy na sangkot umano sa pagpupuslit ng mga smuggled na sigarilyo, alak at iba pang kon­trabando.

Isa pang congressman ang nagalit daw sa PASG ma­ta­pos mahulihan uma­no ng mga mamahaling sa­sak­yan o smuggled car na galing sa ibang bansa.

Ani Villar, kinukumbinsi umano ngayon ng dala­wang kongresista si Pa­ngulong Arroyo na buwagin na ang PASG at Task Force Subic dahil hadlang umano ito sa kanilang iligal na negosyo. (Butch Quejada)

vuukle comment

ANI VILLAR

AYON

BEBOT

BINANGGIT

BUTCH QUEJADA

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

SHY

TASK FORCE SUBIC

TASK FORCE SUBIC CHIEF ANTONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with