OWWA fund transfer sa Philhealth, legal COA
August 8, 2006 | 12:00am
Iginiit kahapon ng Commission on Audit (COA) na walang ilegal sa ginawang transfer of funds ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) patungo sa Philippine Health Insurance Co. (Philhealth) sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado.
Nilinaw ni OWWA-resident auditor Gemillano Maloles sa pagdinig ng senate committee on labor and employment na pinamumunuan ni Sen. Jinggoy Estrada na walang anomalya o ilegal sa ginawang transfer of fund ng P530 milyon sa Philhealth at P665 milyon naman sa Smokey Mountain project dahil kapwa suportado ito ng mga dokumento at resolusyon.
Ayon kay Maloles, nag-invest ang OWWA sa Smokey Mountain project pero naibalik din ang nasabing pondo matapos ang ilang taon nang magbayad ang National Home Mortgage.
Iginiit pa ng OWWA-resident auditor, intact ang mga pondo ng OWWA kung saan ang P3.2 bilyong pondo nito ay nasa Development Bank of the Philippines (DBP) at P3.2 bilyon naman ay nasa Land Bank of the Philippines (LBP) bukod sa P703 milyon na nasa ibat ibang bank accounts.
Hiniling naman ni Sen. Ralph Recto kay Maloles na isumite nito sa komite sa susunod na pagdinig ang dokumentong nagpapatunay na may nakadepositong pera ang OWWA sa nasabing mga bangko.
Muling inisnab ang pagdinig ng komite ni Estrada ng mga opisyal na sina OWWA Administrator Marianito Roque, Philippine Overseas Employment Administration chief Rosalinda Baldoz, Foreign Affairs Usec. Esteban Conejos, Budget Sec. Rolando Andaya Jr., Labor Sec. Arturo Brion at Usec. Ricardo Blancaflor.
Umapela naman sina Sen. Joker Arroyo at Sen. Ramon Revilla Jr. sa liderato ng Senado na ipagpaliban muna ang pagpapatawag sa mga nasabing opisyal habang abala ang mga ito sa ginagawang evacuation at repatriation sa ating 30,000 OFWs na naiipit hanggang ngayon sa kaguluhan sa Lebanon.
Siniguro naman ni Executive Secretary Eduardo Ermita na para mawala ang duda ng ilang sektor sa pondo ng OWWA ay isasapubliko ng gobyerno ang report nito. (Rudy Andal/Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest