^

Bansa

Garcia ‘nagpapasarap’ sa HK

-
Pinabulaanan kahapon ng Philippine National Police (PNP) na nakatakas patungong Hong Kong si dating AFP Comptrollership ret. Major Gen. Carlos Garcia at nagliliwaliw na ngayon doon.

Ayon kay C/Supt. Raul Bacalzon, director ng PNP Headquarters Support Group, nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame si Garcia at binubuno ang 2-taong "hard labor". Kasinungalingan anya ang balitang nagpapakasarap ito ngayon sa HK sa halip na pagdusahan ang hatol.

Sa pahayag ni dating Maguindanao Rep. Didagen Dilangalen, may sources umano siya na kinukunsinti ng mga top brass sa Crame ang pagbabakasyon ni Garcia sa HK na hinihinalang may kapalit na malaking halaga.

Sinabi naman ni Sr. Supt. Gil Meneses, deputy camp commander sa Crame na hindi nakakalabas ng kanyang selda si Garcia dahil bantay-sarado ito at kung pinapayagan man nila itong lumabas ng kulungan ay kapag dadalo lamang sa paglilitis ng kanyang kaso.

Sa Lunes ay ipapalabas na ng Sandiganbayan Third Division ang desisyon sa isa sa apat na kasong perjury na kinakaharap ni Garcia.

Ito ang unang kasong kriminal ni Garcia na dedesisyunan ng civilian court matapos mapatunayang nagkasala sa court martial noong Dis. 2, 2005 dahil sa graft at ilegal na pagkakaroon ng dual citizenship.

Nahaharap din ito sa tatlo pang counts ng perjury, isang plunder at dalawang kaso ng forfeiture para sa kanyang ill-gotten wealth.

Nag-ugat ang kaso sa diumano’y misrepresentation na ginawa ni Garcia ng kanyang 2000 statement of assets, liabilities and net worth (SALN) kung saan idineklara niyang mayroon siyang mga motor vehicles na nagkakahalaga lamang ng P870,000.

Ayon sa prosecutors, hindi totoo ang nasabing halaga at masyadong maliit ang deklarasyon ni Garcia.

Kabilang umano sa pag-aari ni Garcia ang isang Toyota Previa na nagkakahalaga ng P521,797; isang Mitsubishi L-300 de luxe van na nabili ng P424,583 at isang Honda Civic na nagkakahalaga ng P564,000. (Joy Cantos/Malou Rongalerios)

vuukle comment

AYON

CAMP CRAME

CARLOS GARCIA

CRAME

CUSTODIAL CENTER

DIDAGEN DILANGALEN

GARCIA

GIL MENESES

HEADQUARTERS SUPPORT GROUP

HONDA CIVIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with