^

Bansa

Joey nag-sorry na!

-
Humingi na kagabi ng tawad si Parañaque Mayor Joey Marquez kay TV host/actress Kris Aquino.

Sa programang Frontpage ni Mel Tiangco sa Channel 7, sinabi ni Joey na sana ay patawarin na siya ni Kris sa lahat ng nagawa nitong kasalanan sa aktres.

Bagaman at hindi idinetalye ni Joey kung bakit siya humihingi ng tawad kay Kris, sinabi nito na hindi sinungaling si Kris.

"Kris, sa lahat ng pagkakamali ko sa'yo, patawarin mo ko. Kris, hindi kita inakusahang sinungaling," ang eksaktong pahayag ni Joey.

Tumanggi naman si Joey na sagutin ang tanong ni Tiangco kung bakit ito biglang naging mapagpakumbaba.

Nauna rito, isang source ng Channel 7 ang nakakita kina Joey at Kris kasama ang kanilang mga abogado sa isang restoran sa Makati kamakalawa ng gabi.

Ayon naman sa abogado ni Kris na si Atty. Raymund Fortun, inaasahan na nila ang public apology na gagawin ng alkalde para kay Kris kagabi.

Ito anya ang dahilan kung bakit hindi muna sila nagsampa ng kasong administratibo laban kay Joey dahil nga maaaring magbago pa ang isip nito at humingi ng public apology.

Sa panayam naman ng TV Patrol kay Kris, sinabi ng aktres na hindi lang naman si Joey ang may pagkakamali at dapat patawarin, kundi "kailangan ko ring patawarin ang sarili ko."

Nagpasya rin si Kris na hindi na magsasalita sa pagitan nilang dalawa.

"Tapos na’to, I will never speak of the matter for the rest of my life," pagtatapos na sabi ni Kris. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

AYON

BAGAMAN

FRONTPAGE

JOEY

KRIS

KRIS AQUINO

MALOU RONGALERIOS

MAYOR JOEY MARQUEZ

MEL TIANGCO

RAYMUND FORTUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with