^

Bansa

Housing dept., Transco aprub na

-
Pumasa na kahapon sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang pagtatayo ng Department of Housing na papalit sa National Housing Authority (NHA) at pagsasapribado ng National Transmission Corporation o Transco Bill.

Ang dalawang panukalang batas ay trinabaho ng mga mambabatas hanggang madaling araw matapos itong sertipikahang ‘‘urgent bill" ng Malacañang kamakailan.

Layunin ng Housing Bill na organisahin ang lahat ng ahensiya na may kinalaman sa pabahay upang palakasin at mapabilis ang housing program ng pamahalaan.

Nakasaad naman sa Transmission Bill na isasapribado ang National Transmission Company ng Napocor sa loob ng 25 taon na maaaring muling i-renew sa loob ng panibagong 25 taon upang makalikom ang pamahalaan ng US$2 bilyon.

Kapag tuluyang naisabatas ang Transmission Bill ay mababawasan ng halos 60 centavos ang binabayarang power purchased adjustment ng electric consumers sa loob ng 20 taon. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

HOUSING BILL

KAPAG

LAYUNIN

MALOU ESCUDERO

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

NATIONAL TRANSMISSION COMPANY

NATIONAL TRANSMISSION CORPORATION

TRANSCO BILL

TRANSMISSION BILL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with