DFA post tinanggap na ni Ople
July 24, 2002 | 12:00am
Tuluyang nabawasan ang hanay ng oposisyon sa Senado matapos na tanggapin na umano kagabi ni Senator Blas Ople ang alok ni Pangulong Arroyo bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng PSN sa Senado, tinanggap na umano ni Sen. Ople ang nasabing posisyon kung saan ay magkakaroon ng dinner ang senador ngayong gabi kasama ang Pangulo sa Malacañang.
Idinagdag pa ng impormante, ang magiging dinner nina Ople at GMA ngayong gabi ay pormalidad na lamang subalit inaasahan na ang pormal na pahayag ng senador sa alok na maging susunod na DFA secretary ay inaasahang isasagawa niya sa Biyernes.
Dahil dito, mula sa kasalukuyang bilang na 11 miyembro ng oposisyon sa Senado ay magiging 10 na lamang ang grupo ni Sen. Edgardo Angara dahil sa naunang pagtalon sa kampo ng administrasyon ni Sen. Robert Jaworksi.
Hindi naman masama ang loob ng oposisyon sakaling umalis sa Senado si Ople dahil alam nilang kwalipikado ang senador upang maging kapalit ni Vice-President Teofisto Guingona.
Si Ople ang napisil ni Pangulong Arroyo na italaga bilang kalihim ng Foreign Affairs dahil na rin sa pagkakaroon nila ng magkatulad na pananaw sa mga foreign policies. Magkatuwang sina Ople at Arroyo na isinulong noon sa Senado ang Visiting Forces Agreement (VFA) at General Agreement on Tariff and Trade (GATT).
Ayon naman kay Sen. Noli de Castro, sa kanyang sariling pananaw ay mas angkop na ibigay ang chairmanship ng iiwanang komite ni Ople kay Sen. Ramon Magsaysay Jr. Dahil dito, inaasahan naman na ipagkakaloob na lamang ni Magsaysay ang chairmanship ng Senate committee on defense kay opposition Sen. Rodolfo Biazon dahil sa malawak na kaalaman nito sa pambansang kalagayan ng seguridad dahil naging chief of staff ito ng AFP. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended