^

Pang Movies

Alden nahalikan na si Kathryn?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Alden nahalikan na si Kathryn?!
Alden Richards

May KathNiel fans na nagalit na naman kay Alden Richards dahil inakalang kiniss ni Alden si Kathryn Bernardo nang alalayan sa pagbaba ng steps sa stage ng Henry Lee Irwin Theater, venue ng Box Office Entertainment Awards. Na-bash si Alden dahil sa maling akala dahil sa anggulo ng video.

Kung anu-anong inakusa kay Alden dahil doon na ang ginawa lang naman ay alalayan si Kathryn at hawakan ang left hand nito. Promo King daw ang Kapuso actor kahit wala pa silang pelikula ni Kathryn.

Mabuti at may nag-post ng old photo ng dalawa na nagmano si Alden kay Kathryn, sabi ng fan ni Kathryn, ugali na pala ni Alden na magmano kay Kathryn, ngayon lang pinansin dahil sa balitang nanliligaw ang Kapuso aktor kay Kathryn.

Ang lagay na ‘yun, hindi pa pinost ni Alden sa socmed platform niya ang video nila ni Kathryn.

In fairness, hindi lang si Kathryn ang inaaalalayan ni Alden, pati ibang female celebrities na nakakasama sa mga event.

Pati nga si Heart Evangelista, inalalayan ni Alden sa pagbaba ng stage at naunahan niya ang mister nitong si Sen. Chiz Escudero.

Still on Alden, halatang puyat si Alden sa Box Office Entertainment Awards dahil madaling-araw na na-pack-up ang taping ng Pulang Araw. Araw-araw na ang taping ng serye ng GMA-7 at sa iba’t ibang lugar pa, pagod at puyat ang lahat ng involved pati si Director Dominic Zapata. Tungkol sa World War 2 ang seryeng ito.

Kylie, hirap sa pagiging single mom

Siguradong maraming single mom ang naka-relate sa post ni Kylie Padilla kung gaano kahirap ang maging single mom.

Sabi ni Kylie, “Being a single mother is the hardest thing I have ever had to do in my life. May all moms like me who struggle and I know you do, you are doing amazing. It’s ok to be human. If you don’t feel celebrated, I CELEBRATE YOU. It’s ok to admit to your flaws but always strive to be better, Repair when you can and always whatever happens, steal a hug a kiss and listen to that story they have told hundred of times over, let them know you see them. They are only ever this little for so long. The sacrifice is worth every laugh and every I love you uttered from their lips.”

Kasabay nito ang old video clip ng mga anak na sina Alas at Axl na masayang nagtatakbuhan.

May naghanap ng Mother’sDay greetings ni Aljur Abrenica kay Kylie, pero parang wala.

Kapuso child actor, nominadong best actor

Bongga ang Kapuso child actor na si Euwenn Mikaell, nominated siyang best actor sa 47th Gawar Urian para sa pelikulang Firefly ng GMA Pictures    at GMA Public Affairs. Isa na siya

sa pinakabatang nominado sa major category.

Ang daming natuwa sa nomination ni Euwenn na makakalaban sina Romnick Sarmenta, Paolo O’ Hara, Jansen Magpusao, Carlo Aquino, at Cedrick Juan.

Kahit hindi manalo si Euwenn, malaking bagay na ang makasama ang mga nabanggit bilang co-nominees.

Ang usapan ng netizens, baka ‘yung pier scene ni Euwenn nang matapon ang ashes ng namatay niyang ina na dala-dala niya sa kanyang travel papuntang Bicol ang rason kung bakit nominated siya. Ang dami niyang pinaiyak sa eksenang ‘yun.

Anyway, sunod na mapapanood si Euwenn sa GMA Afternoon Prime na Forever Young. Maganda ang story nito at tiyak aabangan kung paano ang atake niya sa role ng isang adult male trapped in a young boy’s body.

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with