Cai Cortez, nag-sorry sa LTO

Naglabas ng statement si Cai Cortez matapos suspindehin ng Land Transportation Office (LTO) ang kanyang driver’s license dahil sa pagmamaneho ng walang seatbelt habang kumakanta.
Pero lumang video aniya ‘yun, last February pa. ‘Yun nga lang, nagkasala pa rin siya sa batas.
Aniya sa kanyang statement: “Nauunawaan ko po ang mga naging puna at kritisismo kaugnay ng video na naipost noong February 2026 at muling kumakalat ngayon.
“Kinikilala ko pong mali at hindi ligtas ang nangyari. Walang dahilan upang isantabi ang kaligtasan sa kalsada, at buong puso po akong humihingi ng paumanhin.
“Inaako ko ang responsibilidad sa naging pagkakamali.
“Bagama’t wala pa po akong personal na natatanggap na opisyal na abiso mula sa Land Transportation Office (LTO) sa ngayon, handa po akong makipagtulungan at sumunod sa mga kaukulang proseso ng ahensya.
“Bilang isang lingkod-bayan, kinikilala ko ang mas mataas na antas ng pananagutan na kaakibat ng aking posisyon.
“Nauunawaan ko ang pagkadismaya ng publiko at ang kahalagahan ng pagiging maingat at responsable sa aking mga kilos.
“Muli, humihingi po ako ng paumanhin sa lahat, lalo na sa aking mga kababayan sa Taytay, sa aking pamilya at mahal sa buhay.
“Itong pagkakataong ito ay ituturing kong mahalagang pagkakataon upang matuto at mapaigting ang kamalayan para sa kaligtasan ng lahat.
“Carizza “Cai” Cortez-Rkhami.”
Hindi pa namin nahihingan ng komento si ASec. Markus Lacanilao kaugnay sa statement na ito ni Cai.
- Latest




















