Blazers sumabog sa Heavy Bombers
MANILA, Philippines — Kinapitan ng Jose Rizal University ang matikas na laro ni Lawrence Mangubat matapos nilang paputukan ang College of Saint Benilde, 85-79, kagabi sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na nilaro sa San Juan Arena.
Tumikada si Mangubat ng 27 points para tulungan ang Heavy Bombers na ilista ang 10-3 karta at upuan ang top spot sa Group A ng team standings.
Nagkaroon ng palitan ng lamang sa kaagahan ng laban at sa pagtatapos ng 3rd period ay lamang ang Blazers ng tatlo, 23-20
Hindi naman basta nagpadaig ang Heavy Bombers, biglang pumutok ang kanilang opensa sa second period para maagaw nila ang bentahe, 45-39 sa halftime.
Lalong nag-init ang mga kamador ng JRU sa third canto dahilan para lumobo ang abante nila sa 10 puntos, 69-59 papasok ng fourth quarter.
Nagparamdam din ng lakas ang Blazers sa payoff period nang maibaba nila sa anim ang hinahabol, 70-76 may 3:23 minuto na lang sa orasan.
Bagama’t may huling hirit pa na ginawa ang Blazers ng ibaba sa tatlo ang hinahabol ay tinuluyan na sila ni Mangubat sa ipinasok na dalawang free throws.
Nalasap ng Blazers ang pang-apat na talo sa 12 salang.
Sa unang laro, ibinaon ng todo ng University of Perpetual Help System DALTA ang San Sebastian College sa ilalim ng team standings matapos ilista ang 82-75 panalo.
- Latest
















