^

Pang Movies

Xia, hindi inasahan ang sequel ng Miracle…

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Xia, hindi inasahan ang sequel ng Miracle…
Xia Vigor.
STAR/ File

Ang dating Fil-British child star na si Xia Vigor ay pitong taong gulang pa lamang noon nang kanyang gampanan ang iconic role na si Yesha sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF), ang Philippine adaptation ng 2013 hit Korean film na pinamagatang Miracle in Cell No. 7 na tinampukan nila nina Aga Muhlach at Bela Padilla.

Ngayon ay 17 years old na siya, grade 12 and home schooled. Pero kinu-consider ni Xia ang Miracle in Cell No. 7 her most memorable movie hanggang ngayon kaya ganun na lamang ang kanyang kasiyahan sa sequel ng Miracle… na ang cast ng unang version ay halos buo pa rin at may mga bagong karagdagan tulad ni Jodi Sta. Maria.

Bago tumuloy sa PSE Auditorium kung saan ginanap ang cast reveal ng 2nd Miracle in Cell No. 7 ay sandali naming nakakuwentuhan si Xia na isa na ngayong certified teenager at isa na ring celebrity TikToker.

Dapat sana’y nasa England ngayon si Xia para doon mag-aral tulad ng kanyang elder brother pero binibigyan niya ng timbang ang kanyang acting and showbiz career.

Dito kasi sa Pilipinas ay kaya niyang pagsabayin ang pag-aaral at showbiz na siya niyang ginagawa ngayon.

Kapag natapos niya ang Grade 12 ay balak niyang mag-aral sa isang film school in England sa pamamagitan ng online dahil pangarap umano niyang magdirek.

Joel, ‘di kayang iwan ang showbiz

Ang award-winning actor na si Joel Torre ay isa ring successful businessman na kanyang sinimulan sa isang established na ngayong restaurant, ang JT’s Manukan, na ang specialty ay ang Bacolod Inasal na hindi lamang dito sa Pilipinas matatagpuan kundi maging sa Dubai at Singapore and soon sa iba pang bahagi ng mundo.

Ang JT’s Manukan ay meron nang 12 company-owned branches habang 18 naman ang franchise.  Ang dalawa rito ay mina-manage ni Aila Torre, isang established graphic artist na naka-base sa Siargao at close na kaibigan ng (dating) actress na si Andi Eigenmann na sa nasabing isla na rin naka-base kasama ang kanyang pamilya.

Kung gugustuhin ni Joel ay puwede na siyang mag-slow down sa kanyang acting career dahil sa kanyang matagumpay na business pero ito umano ang kanyang first love kaya mahirap iwanan.

Si Joel ay kasama pa rin sa cast ng 2nd Miracle in Cell No. 7 kung saan siya gumaganap sa papel ni Boss Sol.

XIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with