^

Balita Ngayon

Kampo ni Pacquiao at Rios nagpang-abot sa gym!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa Linggo pa ang bakbakang Manny Pacquiao at Brandon Rios ngunit ngayong Miyerkules pa lamang ay nagpang-abot na ang kanilang mga trainer.

Nagkagulo sa loob ng gym ng Cotai Arena, Venitian Resort sa Macau nang paalisin ng long-time trainer ni Pacquiao na si Freddie Roach ang kampo ni Rios sa pangunguna ni Robert Garcia at dating miyembro ng team Pacquiao na si Alex Ariza.

Sinasabi ni Roach na tapos na ang schedule ng koponan ni Rios para gumamit ng gym at oras na ng kanilang kampo, ngunit hindi naging maganda pag-uusap ng dalawa na sinawsawan pa ni Ariza.

"We were just 6 or 7 minutes over time. We were wrapping it up and Manny wasn't there yet,” pahayag ni Top Rank publicist Lee Samuels na kabilagn sa kampo ni Rios.

Nakuhaan ng ESNEWS ang kaguluhan at kaagad itong inilagay sa Youtube.

Samantala, ang half-Pinay at American Idol Season 11 first-runner up Jessica Sanchez ang kakanta ng national anthem ng Pilipinas at ng Amerika sa laban ni Pacquiao at Rios sa Nobyembre 24.

Kaugnay na balita: Jessica Sanchez kakanta sa laban ni Pacquiao kontra Rios

Una nang kumanta si Sanchez ng American national anthem noong bakbakan ni Pacquiao at Timothy Bradley.

Tangka ng boksingero at kongresista na bumangon mula sa dalawang sunod na pagkatalo mula kay Bradley at sa matinding karibal Juan Manuel Marquez.

vuukle comment

ALEX ARIZA

AMERICAN IDOL SEASON

BRANDON RIOS

COTAI ARENA

FREDDIE ROACH

JESSICA SANCHEZ

JUAN MANUEL MARQUEZ

LEE SAMUELS

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with