^

Balita Ngayon

Granada inihagis sa QC police station

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Granada ang ipinaalmusal ng isang hindi pa nakikilalang lalaking sakay ng motorsiklo sa istasyon ng pulisya sa Quezon City ngayong Lunes.

Inihagis ng suspek ang granada sa Quezon City Police District Station 5 sa Fairview ngunit masuwerteng hindi naman ito sumabog.

Sinabi ng mga imbestigador na hindi natanggal ang ikalawang pin ng granada nang ihagis ito ng suspek sa istasyon ng pulis kaya hindi ito nakapanakit.

Ayon sa desk officer na naka-duty nang ihagis ang granada, nakarinig siya ng humaharurot na motor bago nabasag ang salamin sa kanilang istasyon.

Ibinigay na sa explosive and ordnance division ng pulisya ang MK2 fragmentation grenade upang inspeksyunin.

Patuloy pa rin naman ang imbestigasyon ng pulisya upang malalaman ang pagkakakilanlan ng suspek at motibo nito sa pag-atake.

vuukle comment

AYON

FAIRVIEW

GRANADA

IBINIGAY

INIHAGIS

PATULOY

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with