^

Balita Ngayon

Buhay nangunguna sa party-list tally

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Nangunguna sa karera sa party-list ang Buhay party-list ni Mariano Michael Velarde Jr. at dating alkalde ng Maynila na si Lito Atienza, base sa unofficial na bilang ng mga boto ngayong Martes.

Sa huling tala ay mayroon nang 939,576 na boto ang grupo, na ginamit sa mga campaign posters ang ama ni Velarde na si El Shaddai founder Brother Mike Velarde, mula sa 60 porsiyento ng lahat ng congressional districts base sa unofficial na bilangan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting's (PPCRV).

Ang nakababatang Velarde at si Atienza ang una at pangalawang nominado ng Buhay na may adbokasiyang pagpapahalaga sa buhay ng tao at pagiging banal.

"God is good! BUHAY is leading the Partly-list race. Maraming salamat sa inyong suporta. MaBUHAY tayong lahat!" pahayag ng grupo sa kanilang Facebook page ngayong Martes.

Nakabuntot sa Buhay para sa party-list ang A Teacher Party-list na may 739,408 na boto at nasa pangatlong puwesto ang Bayan Muna na nakakuha ng 698,890 na boto.

Narito ang Top 20 na party-list base sa PPCRV.

    BUHAY - 939,576
    A TEACHER - 739,408
    BAYAN MUNA - 698,890
    1-CARE - 657,746
    AKBAYAN - 606,119
    AKB - 564,773
    GABRIELA - 529,100
    OFW FAMILY - 527,682
    ABONO - 524,136
    SENIOR CITIZENS - 490,024
    COOP-NATCO - 452,847
    AGAP - 430,954
    CIBAC  - 428,864
    MAGDALO - 400,098
    AN WARAY - 362,062
    BUTIL - 328,078
    ACT TEACHERS - 321,506
    ABAMIN - 314,545
    KALINGA - 266,698
    ACT-CIS - 265,214

Ayon sa party-list system ng bansa, 20 porsiyento ng upuan sa Kongreso ang nakalaan para sa mga kinatawan ng mga party-list.

Kailangang makalikom ng bawat party-list kahit dalawang porsiyento mula sa kabuuang bilang ng mga boto upang makakuha ng upuan sa Kongreso.

Noong 2010 ay umabot sa 57 puwesto ang naupuan ng mga kinatawan ng party-list.

vuukle comment

A TEACHER PARTY

BAYAN MUNA

BROTHER MIKE VELARDE

BUHAY

EL SHADDAI

KONGRESO

LIST

LITO ATIENZA

PARTY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with