^

Pang Movies

Album ni Sarah naka-platinum na

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Album ni Sarah naka-platinum na
Sarah Geronimo

Mali ang inaakala ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo na wala nang nakikinig sa kanyang mga kanta. Noong linggo lang ay binigyan siya ng platinum award sa ASAPUnited para sa kanyang album na The Great Unknown mula sa Viva Records.

Biglang kinuyog ang sinabi ni Sarah sa social media. Ipinagtatanggol nila ang kanilang idol na kahit daw maraming nagsusulputang sangkaterbang bagong singer, wala pa ring papalit sa kanilang idolo pagdating sa kantahan. Hinahangaan si Sarah dahil angat pa rin ito sa ibang singer.

Wish din ng fans na umabot pa sa diamond ang kanyang bagong album bago dumating ang album concert ng singer na The Great Unknown sa Nov. 29, 2016 sa Kia Theater.

Excited si Sarah sa kanyang concert dahil guest niya ang bandang  Hale na paborito niya.  Nabigyan si Sarah ng chance na makipag-collaborate sa Hale sa bagong single nito na The Great Unknown at nag-click agad ang kanilang kanta.

Promise ng mga Popsters na hanggang sa dulo, kahit tumanda na si Sarah ay walang iwanan.  Paulit-ulit na sinasabi ng fans na patuloy na mamahalin at susuportahan pa rin nila si Sarah sa kanyang career.  Bilib din ang lahat sa singer/actress dahil bukod sa world class ang talent ito, hindi raw siya nagbabago ng ugali at nanatiling humble kahit sa matagumpay nitong estado.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with