^

True Confessions

Nunal(106)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

BAGO umalis sina Robert at Nesto sa opisina ng PDEA ay pinaalalahanan sila ng hepe nito.

“Mag-ingat kayo! Ngayong nalagasan ng tauhan si Tsekwa, tiyak na reresbak yun. Maging alerto kayo dahil suicidal na ang drug lord na yun. Lumiliit na ang mundo niya.’’

“Salamat sa paa-lala, Sir.’’

“Pag may naramdaman kayong kahina-hinalang mga tao na aaali-aligid, tawagan mo agad ako.’’
“Opo Sir.’’

“Ginagawa namin ang lahat para matagpuan si Mahinhin. Huwag kang mag-alala dahil mahalaga sa amin si Mahinhin. Kung hindi sa kanya, hindi madidiskubre ang malaking shipment ng shabu na pinadaan sa Customs. Napakalaki ng tulong ni Mahinhin para malusaw ang sindikato ng droga.’’

“Salamat po.’’

NANG mga sanda-ling iyon ay galit naga- ­­lit si Scarface Tsek­wa. Nalagasan siya ng tauhan at naaresto pa ang isa.

“Gaganti tayo. Uubusin natin ang mga kumalaban sa atin.’’
“Si Robert ang dahilan, Bossing.’’

“Papatayin ko ang Robert na yun.’’

“Nalaman namin  na siya ang siyota ni Bianca o ni Mahinhin.’’

Napangisi si Tsek­wa. May naglalaro sa isipan nito.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with