^

True Confessions

Suklam (80)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

MAY binabalak si Mara kay Brent. Kaya nang utusan siya ni Vivian na dalhin ang mga pinirma­hang dokumento kay Brent, napangiti siya nang lihim. Ngayon niya isasagawa ang matagal nang balak kay Brent. Tiyak na hindi makakatanggi si Brent.

Kumatok siya sa kuwarto ni Brent.

“Come in please,’’ narinig niyang sabi ni Brent mula sa loob.

Pumasok siya. Kinabig niya ang pinto at sumara. Pinindot niya ang lock ng door knob.

“O Mara anong problema?’’

“Walang problema. Eto ang mga report mo na pi­nirmahan ni Mam Vivian.’’

“Si Vivian, pumasok na?’’

“Oo. Ngayon ang umpisa niya. Pinirmahan nga agad ang mga report mo.’’

“A mabuti. Salamat.’’

“Salamat lang?’’

“Ano pa ba ang sasabihin ko kundi salamat.’’

“Ikaw ang hina ng pakiramdam mo ano?’’

“Anong mahina?’’

“Basta ang hina mo? Ang guwapo mo pa naman.’’

Nagtawa si Brent.

“Hindi naman masyadong guwapo.”

“Ang tagal ko nang nagpaparamdam sa’yo, wala ka pa ring ginagawa.’’

“Ano?’’

“Manhid ka!’’

Takang-taka si Brent.

“Baka naman bakla ka! Ang tagal ko nang nagpapakita ng motibo sa’yo, pero walang epekto. Siguro nga miyembro ka ng kapisanan…’’

Na-challenge si Brent sa sinabi ni Mara.

Bigla niyang nilapitan.

“Anong sabi mo?’’

“Miyembro ka ng kapisa­nan—berde ang dugo mo!”

“Berde ang dugo ha?’’ sabi ni Brent at siniil ng halik sa labi si Mara. Habang sinisiil ng halik, ipinasok niya ang kanang palad sa blusa nito at nilamas ang malulusog na “papaya” ni Mara.

Hindi makapalag si Mara sa ginagawa ni Brent. Nabigla siya pero gusto ang ginawa ni Brent.

Nang magsawa ang palad ni Brent sa “papaya”, sa ilalim naman ng palda dumako ang palad.

Naipasok sa panty. Hinanap ang lagusan.

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with