^

True Confessions

Sinsilyo (166)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NANG makapasok sa kuwarto si Lyka, isinara ni Lolo Kastilaloy ang pinto.

“O hayan ang mga sinsilyo, dumadami na. Sa iyo lahat ‘yan, sabi ni Mau. Kinukolekta kong mabuti ang mga sinsilyo sa mga matatandang estupido at baka kupitan.’’

“Salamat Tatang Dune. Maaasahan ka talaga,” sagot naman ni Lyka na hindi gaanong lumalapit kay Kastilaloy.

“Binabantayan ko lagi ang mga ‘yan dahil baka may makapasok na magnanakaw ay ako ang mananagot kay Mau. Mahirap nang maging katulad ako kay Gaude. Baka pagnawala ay ako naman ang palayasin ni Mau.’’

“Mabait ka pala Tatang Dune.’’

“Oo. Talagang mabait ako.’’

Akmang gusto nang lumabas ni Lyka pero agad na pinigil ni Lolo Dune Kastilaloy.

“O aalis ka na agad e hindi mo pa nakikita nang maayos ang mga sinsilyo.’’

“Okey na po Tatang Dune. Nakita ko na po.’’

“Gusto mo bilangin ko na para sa’yo. Para mabilis mong maideposito…”

Natigilan si Lyka. Nag-isip. Parang alam na ng matanda na marami na siyang nakuha sa bunton ng mga barya. Parang may nalalaman na ito. Pero hindi nagpahalata si Lyka. Kinalma ang sarili.

“Gusto mo bilangin ko, Lyka?”

“Po? A e huwag na Ta­tang Dune. Saka na lang po. Baka mahirapan ka sa pagbibilang. Mabilis lang namang bilangin ‘yan.’’

“Para mayoon kang ide­deposito sa iyong banko. Para madagdagan ang iyong pera sa banko…’’

Natigilan uli si Lyka. Mukhang bistado na siya ng matandang ito. Marami nang alam ukol sa kanya.

“Ayaw mo, Lyka?”

“Huwag na po. Sige po Tatang Dune, lalabas na ako.’’

“Eto naman at nagma­madali. Wala naman si Mau.’’

“May gagawin pa po ako.’’

Napangisi si Kastilaloy. Lumapit kay Lyka. Hindi naman kumilos si Lyka sa kinatatayuan.

“Ang bango mo talaga, Lyka!’’

Ngumiti lang si Lyka. Nag-iisip siya.

“Sabon ba iyon o shampoo?”

“Shampoo po siguro.”

“Ang bango!’’

Nag-isip si Lyka. May binabalak ang matanda. Umakma siyang lalabas na. Delikado na.

“Lalabas na ako Tata Dune.’’

“Sige ka, kapag lumabas ka may malalaman si Mau,” sabi at lalong napangisi.

Kinabahan si Lyka. Sabi na nga ba at may binabalak ang matanda.

“Hindi ko sinabi kay Mau ang lihim mo Lyka. Si Gaude ang idiniin ko. May utang na loob ka sa akin…”

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

DUNE

KASTILALOY

LOLO DUNE KASTILALOY

LOLO KASTILALOY

LYKA

NATIGILAN

SALAMAT TATANG DUNE

TATANG DUNE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with