^

PSN Showbiz

Roderick itatapat kay Boy Abunda

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Kahapon ang scheduled pictorial ng hosts ng Hot TV, Roderick Paulate, Regine Velasquez, at Jen­nylyn Mercado at Raymond Gutierrez, ang Sunday show ng GMA 7 na papalit sa Showbiz Cen­tral at magpa-pilot sa first Sunday ng August.

Pangatlong show ito ni Roderick sa Channel 7 dahil may Tweets For My Sweet pa siya at hindi siya aalis sa sitcom dahil masaya sila nina Marian Rivera at Nova Villa at masaya silang nagti-taping.

Mentor din ng Protégé: The Battle For the Big Artista Break ang komedyante at dahil may Sunday airing din ang reality show, three times siyang mapapanood tuwing Linggo. Ang masasabi rito ni Roderick ay “God is good!”

Galing ng Guam si Roderick, isinama siya ni Que­zon City Vice Mayor Joy Belmonte at QC coun­­cil para sa renewal of memorandum of understanding between QC and Guam. Pero nakahabol siya sa libing ni Dolphy.

Okay si Roderick kahit sinuspindi ng Ombudsman at iniisip na lang nito na napupulitika siya dahil malapit na ang filing ng candidacy para sa 2013 elec­tions. Umaasa siyang maayos ang kaso at mai­pagpapatuloy niya ang paglilingkod sa kanyang constituents.  

Janice babawiin na ang titulong horror queen

Bago ang screening ng Mga Mumunting Li­him, sinabi na ni Direk Joey Reyes na magugulat kami kay Janice de Belen at totoo ngang ginulat kami sa karakter niyang si Olivia na wagas kung magmura with matching hand gestures pa. Tahimik ang pelikula, sina Janice at Agot Isidro ang nagpaingay.

Sa Cinemalaya mapapanood ang Mga Mumunting Lihim na binigyan ng PG-13 rating ng board of censors at may commercial screening sa Aug. 22. Mapapanood din si Janice sa horror film na The Healing ng Star Cinema sa July 25, sa direction ni Chito Ro?o at bida si Vilma Santos.

Babawiin yata ni Janice ang horror queen title ngayon dahil nasa Shake, Rattle & Roll 14 din siya.

Kris nilibre ang buong staff sa Bangkok

Lilipad ngayong araw sa Bangkok, Thailand si Kris Aquino at mga anak na sina Josh at Bimby para sa pictorial niya ng Pantene. Isinabay na rin ni Kris ang Bangkok trip sa ipinangakong treat sa staff ng Kris TV na kase-celebrate ng first anniversary.

Timing ang alis nina Kris dahil hindi pa yata nasisimulan ang shooting ng movie nila ni Piolo Pascual dahil inaayos pa ang budget dahil mahal ang cost ng movie.

Louise at Alden grabe na kung maglaplapan

Wala kayang magselos sa sinabi ni Louise delos Reyes na normal na lang sa kanila ni Alden Richards ang maghalikan sa One True Love. Ang bilis nga ng sagot nito sa tanong kung ano ang lasa ng labi ng kapareha. Pareho raw silang lasang spearmint dahil nag-share sila sa breath drops.

Gaya ni Alden, tragic din ang gustong ending ni Louise sa love story nila sa One True Love para mas matandaan ng viewers. Siniguro nitong mas maaawa ang tao sa mangyayari sa karakter niyang si Elize dahil magkakasakit ng malubha na bawal pang isulat dahil week five pa lang ang umeere.

Isang bagay na nagawa ng One True Love kina Alden at Louise, nawala ang ilangan sa kanila at naging mas close. Grabe nga silang mag-asaran na pagseselosan ng kanya-kanyang karelasyon kung mapapakinggan.

vuukle comment

AGOT ISIDRO

ALDEN RICHARDS

BATTLE FOR THE BIG ARTISTA BREAK

CHITO RO

CITY VICE MAYOR

DAHIL

JANICE

ONE TRUE LOVE

RODERICK

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with