^

Metro

Kelot itinumba ng tandem: 3 nadamay sa ligaw na bala

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki habang tatlong bystanders ang na­su­gatan nang tamaan ng ligaw na bala sa isinagawang pamamaril ng hinihinalang riding in tandem criminals na naganap noong Sabado ng gabi sa Taguig City.

Dahil sa mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa kalibre .45 baril, dead on the spot ang bik­timang si Adrian Yalong, 40, taga Block 2, Lot 4, Purok 1, Brgy. Central Bi­cutan ng naturang siyudad.

Ginagamot naman sa Taguig-Pateros District Hospital ang mga sugatang sina Josalina Refuerzo, 50; Samuel Refuerza, 54, at Abdul Khalem, 23.

Nagsasagawa pa ng follow-up ang pulisya hinggil sa insidente at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng mga suspect.

Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente  alas-11:10 ng gabi sa Block 62, Lot 1, Phase 5, Brgy. Upper Bicutan ng naturang siyudad.

Ayon sa isang ginang na testigo, nakita niyang tumatakbo ang biktimang si Yalong na hinahabol ng dalawang kalalakihan  na nakasakay sa isang motorsiklong walang plaka.

Pinuputukan umano ng mga suspect ang tumatakbong biktima at nang maabutan ay dito na tinadtad ng bala hanggang sa binawian ng buhay.

Dito rin nadiskubre na tinamaan ng ligaw na bala ang mga bystanders na sina Refuerzo; Refuerza at Khalem at dinala ang mga ito sa naturang ospital.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspect sa hindi matukoy na direksiyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with