^

Metro

2 dawit sa Online Paluwagan Casino scam, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaki at isang babae na sangkot sa ‘Online Paluwagan Casino Investment’ scam ang nalambat sa isinagawang entrapment operation ng pinagsanib na pwersa ng District Police Inte­lligence Operation Unit  (DPIOU) at District Intelligence Division (DID) ng Manila Police District, Biyer­nes ng gabi.

Isinailalim na sa inquest proceedings sa Manila Pro-secutor’s Office kaugnay sa kasong paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code (estafa thru entrapment) ang mga suspek na sina Arjay Zaldivar Reyes, 25, lider umano ng grupo, residente ng Zone Labigajo Sur, Libma­nan, Camarines Sur  at  Michelle Enge Jangao, 34, ng Misamis Oriental at residente ng F. Aguilar St., Obrero, Tondo, Maynila.

Nadakip ang mga suspek alas-9:20 ng gabi sa isinagawang entrapment operation  sa harapan ng Windford Hotel sa Tayuman St., Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat, dumulog sa DPIOU ang isang 24-anyos na accountant ng isang Japanese engineering company na nagpatago sa pangalang Raine, dahil sa mga napakong pangako na kikita ng P400 kada araw ang investment na P1,000. Umabot na sa P110,000. ang hindi nabawi ni Raines sa mga suspek hanggang sa maka-ugnayan at makilala niya ang iba pang mga nabiktima ng sindikato na pawang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Una umanong naeng- gan­yo si Raine na maglagak ng P30,000 sa Facebook friend ng suspek ding si Mi­chelle Jangao sa pangako na tutubo kada-araw at ang pera na investment nila ay magiging puhunan ng mga ‘gamblers’ sa loob ng kanilang grupo at ang kikitain ang nagiging dibidendo o paghahati-hatian ng investors.

Nabatid sa DPIOU na sa social media nag-ugat ang pambibiktima kung saan nag-create ng account ang sindikato na “Online Casino Addict” na marami ang nakumbinsing makipagkaibigan at maglagak umano ng pera noong nakalipas na taon.

Nitong kasalukuyang taon, ang suspek na si Reyes ay nag-fabricate umano ng FB account sa ilalim ng pangalang “Ken Yalacaam” para sa “Online Paluwagan Addict 2017”. Ang  bank account na gamit sa pagdeposit ng investment ay nakapangalan umano sa isang Kevin Ong Macaalay at ang isa pang bank ng iba pang banko ay nakapangalan sa naarestong si Reyes.

Marami umano ang niloko ang nakunan ng malaking halaga ng grupo at sa huli ay nawawala na ang kanilang contact at FB account kaya hindi na sila mahabol ng mga investors.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with