^

Metro

Clean-up drive sa estero: 1 patay, 10 sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Improvised platform bumigay

MANILA, Philippines – Nauwi sa trahedya ang sama-samang paglilinis ng estero nang gumuho ang tinatapakang improvised platform sa ibabaw ng isang pumping station na ikinasawi ng isa at ikinasugat ng 10 pa sa Romualdez Bridge, sa Ermita, Maynila, kahapon ng umaga,

Dead-on-arrival sa Manila Me­dical Center ang barangay tanod na si Alfredo Quijano ng Brgy. 664, Zone 71 sa Ermita, habang ginagamot pa ang nasa 10 katao na 7 pa lamang ang nakilala na sina Jenny So­seng, Marilou Silos, Shiela Mati, Jerry Dizon, Ruel de Suloc, Joven Padilla at Edfel Arevalo.

Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista at PO3 Joseph Kabigting ng Manila Police District-Homicide Section, ang insidente  ay naganap  dakong alas- 7:30 ng umaga kahapon, habang abala sa pagkuha ng mga basura sa nasabing estero sa Balete Pumping Station ang mga tauhan ng  barangay, Department of Public Works and Highways (DPWH), Metro Manila Development Authority (MMDA), at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Bumulusok umano sa estero ang nasa mahigit 20 katao na nakatuntong sa platform na yari sa semento at bakal na may kalumaan na.

Nahulog sila sa maburak at nakaistak sa tambak ng basura at naipit pa si Suloc sa bakal na agad namang  nirespondehan ng mga tauhan ng Philippine Red Cross (PRC) at isinugod sa ibat-ibang pagamutan ma­ging ang iba pang sugatan.

Ayon kay MMDA Balete Pumping Station plant engineer Angeles Bosmente na ang naturang platform ay ginagamit sa pagkolekta ng mga basura sa estero ngunit ang kapasidad lamang ay 3 katao at 3  metriko kubikong basura.

Nagbabala naman umano sila sa mga volunteer na bahagi ng clean-up drive na mahina na ang platform .

Tiniyak naman ng MMDA na sa kabila ng trahedya ay  gagana pa rin ang pumping station ngunit kinakailangang sumakay ng bangka ng mga trabahador sa pag-aalis ng mga basurang babara rito.

Paiimbestigahan naman ni Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) director Johnny Yu, ang nasabing insidente kung bakit gumuho ang nasabing platform at kung sino ang dapat papanagutin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with