^

Metro

3 pa ‘ikinahon’ sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong lalaking biktima ng salvage ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, unang  nadiskubre dakong alas-9:25 ng gabi kamaka­lawa ang  isang bangkay sa ilalim ng Mc Arthur Bridge sa Sta.Cruz, Maynila. Nababalutan ng packaging tape ang mukha nito at na­kagapos ang mga kamay sa likod habang isang karatula na nakapatong sa katawan nito na may mga katagang  ‘Pusher ako.’

Magkasunod naman na natagpuan ang dalawa pang bangkay kahapon ng umaga sa Bonifacio Drive,  Port Area at sa gilid ng Metropolitan Theater sa Lawton, Ermita.

Isang  kahon ang nakita na nasa gilid ng  Bonifacio Drive, dakong alas -7:30 ng umaga, kaya ipinaalam ito sa mga security guard ng Intramuros at inireport sa pulisya.

Nang buksan ang balikbayan box ay tumambad ang bangkay na nababa­lutan din ng packaging tape ang mukha, may dalawang butas na sugat sa katawan, nakagapos din, at pinagkasya sa kahon sa pamamagitan ng fetal position. May nakasulat din na  ‘Pusher-holdaper ako, wag tularan.’

Ikatlo ay ang kahon na nadiskubre sa labas ng Metropolitan Theater, bandang alas -5:00 ng umaga, na nakabalot din ng packaging tape ang mukha, na may nakasulat na ‘Pusher Holdaper ako huwag tularan’. may sugat din ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Malaki ang hinala ng pulisya na magkakaugnay ang tatlong insidente kung saan pinaghiwa-hiwalay lamang ang tapon.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with