^

Metro

Tsuper itinumba sa ipinapasadang tricycle

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Wala nang buhay nang ma­tagpuan ang isang driver sa loob ng kanyang ipinapa­sa­dang tricycle dahil sa tama ng bala ng baril sa may tainga, kama­kalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Peter Bernardo, 37, ng Susano Road, Brgy. San Agustin, Novaliches, Quezon City.

Sa inisyal na ulat ng pu­lisya, nadiskubre ang wala nang buhay na si Bernardo sa loob ng kanyang tricycle dakong alas-8 kamakalawa ng gabi sa kanto ng Evergreen Avenue at Orchid St., Evergreen Executive Village, Brgy. 171 Bagumbong, ng naturang lungsod.

Nabatid na nadiskubre ang bangkay ni Bernardo ng mga kapwa nito tricycle driver na pumapasada sa lugar. Sa pagsusuri ng mga imbestigador, napag-alaman na nagtamo ito ng tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa may kaliwang tainga.

Bago ang pagkakadis­kubre, huling nakita ang biktima na namamasada at sakay ang dalawang hindi nakilalang pasahero. Isa sa tinitingnang anggulo ay kung panghoholdap ang motibo ng krimen o kaya ay personal na galit.

vuukle comment

BERNARDO

BRGY

CALOOCAN CITY

EVERGREEN AVENUE

EVERGREEN EXECUTIVE VILLAGE

ORCHID ST.

PETER BERNARDO

QUEZON CITY

SAN AGUSTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with