^

Pang Movies

Joey tiyak na eeksena sa Barbie ni Paolo

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi ako magugulat kung may special participation si Papa Joey de Leon sa Barbie movie ni Paolo Ballesteros sa OctoArts Films dahil siya ang original na Barbie sa pelikula na ginawa niya noong dekada ’90.

Saka co-production venture ng OctAarts, M-ZET at APT Entertainment ang pelikula ni Paolo kaya malaki talaga ang tsansa na umapir si Papa Joey sa bagong project ng co-host niya sa Eat Bulaga.

Kung hindi n’yo alam, fan ni Paolo si Papa Joey dahil hangang-hanga ito sa talent niya sa make up transformation. Parehong mga artist sina Papa Joey at Paolo. Magaling na painter si Papa Joey at mahusay magpinta ng mukha si Paolo.

Solenn at Betong bubuhayin ang show nina Allan at Jaya

Hindi natuloy noong Martes ang presscon ng All Star Videoke dahil sa bad weather at pabor ito sa akin dahil hindi ako naglagare as in nag-stay lang ako sa contract signing ni Myrtle Sarrosa sa Sisters Napkin and Pantyliners.

Ang All Star Videoke ang ni-revive na game show noon nina Allan K. at Jaya pero sina Solenn Heussaff at Betong Sumaya na ang mga bagong host.

May nagsabi sa akin na mapapanood tuwing Linggo ang All Star Videoke pero ngayon natin malalaman ang complete details tungkol sa coming soon game show nina Betong at Solenn.

Nagtagal noon sa ere ang All Star K game show nina Allan K. at Jaya kaya hoping ang fans na magtatagal din sa telebisyon ang All Star Videoke.

Mga dadalo sa Belo-Kho wedding ayaw patalbog sa outfit

Bongga ang gown na gagamitin ng isang BFF ko na dadalo sa Belo-Kho Nuptial sa Paris dahil ang international fashion designer na si Rocky Gathercole ang gumawa ng damit niya.

Magbibitbit sa Paris ng malaking maleta ang friend ko dahil doon lamang kakasya ang gown na isusuot niya.

Sikat na sikat ngayon si Gathercole dahil siya ang gumawa ng mga damit ni Jennifer Lopez para sa concert nito sa Las Vegas.

Kasabay ng show ni Jennifer ang concert ni Mariah Carey sa Las Vegas kaya pinagsasabong ng fans ang dalawang diva.

Siyempre, winner si Jennifer dahil bongga ang mga damit na ginawa para sa kanya ni Gathercole na hindi nauubusan ng mga idea.

Parang ka-level na ng BFF ko ang mga international celebrity na binihisan ni Gathercole dahil ang ganda-ganda talaga ng kanyang agaw-eksena na gown na proudly Philippine-made.

Myrtle idinenay ang direktor

Itinanggi ni Myrtle Sarrosa sa contract signing niya sa Sisters Napkins noong Martes na boyfriend niya ang Woke Up Like This director na si Joel Ferrer.

Sinuportahan lang ni Myrtle ang premiere night ng Woke Up Like This noong Lunes dahil friends sila ni Joel na naging direktor niya noon sa mga show ng TV5.

Nagkita sa premiere ng Woke Up Like This si Myrtle at ang kanyang ex-boyfriend na si Brian Llamanzares, ang anak ni Senator Grace Poe.

Pinaniwalaan naman ng entertainment writers ang paliwanag at denial ni Myrtle dahil wala naman sa image niya na sinungaling siya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with