^

Pang Movies

Pinaalala ng netizens Angelica nag-boomerang sa sarili ang mga pang-ookray kay Shaina

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Tiyak na magagamit ni Angelica Panganiban ang kanyang pinagdaraanan sa break up nila ni John Lloyd Cruz sa bagong pelikulang gagawin nito na The Unmarried Wife under Star Cinema.

Bongga ang casting dahil makakasama ni Angelica sina Dingdong Dantes at Paulo Avelino sa direksiyon ni Maryo delos Reyes.

Gagampanan ni Angelica sa nasabing movie ang role ng isang babaeng palaban, adventurous, marunong i-handle ang sarili, career, pamilya, at maging ang relasyon sa kanyang mga dyowa.

Maraming fans nga ang naghihintay sa mga pakakawalang hugot lines ni Angelica sa movie.

Samantala, isa si Angelica sa mga artista na madalas makatikim sa bashers.  Tulad nang mag-guest si Angelica last Sunday sa Gandang Gabi Vice na hindi nalimutan ng mga netizen na parang kailan lang din nang magpahayag ito sa GGV na siya ang huling nagwagi sa kanila ni Shaina Magdangal dahil siya ang pinili ni John Lloyd.

Comment ng mga netizen na hindi dapat nagsasalita ng tapos si Angge dahil ngayon ay pareho na silang nganga ni Shaina.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with