^

Pang Movies

Paglaya ni Deniece naunsyami uli

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi natuloy ang paglabas kahapon ni Deniece Cornejo sa detention cell niya sa Camp Crame.

Na-delay ng isang araw ang paglaya ni Deniece dahil wala ang prosecutor ng Taguig City na pipirma sa release paper niya.

Hindi naman nadismaya si Deniece sa aberya na nangyari kahit nakahanda na ang kanyang mga gamit at uwing-uwi na siya.

Inaasahan na ngayon mangyayari ang pinakakaasam ni Deniece na paglaya.

Nora sumama ang loob nang hindi asikasuhin sa presscon ng TV5!

Naimbyerna pala si Nora Aunor nang umapir siya sa presscon noon ng Trenderas ng TV5 dahil wala raw sumalubong at nag-asikaso sa kanya.

Naniniwala ako na hindi sinasadya ng production staff ng TV5 ang nangyari. Baka nagkaroon lamang ng miscommunication kaya hindi nila naabangan ang pagdating ni Nora sa venue ng presscon.

Hindi siguro inaasahan ng production staff na maaga na kung dumating si Nora sa mga commitment nito.

Marami rin ang ginulat ni Nora sa presscon ng Dementia dahil early bird siya.

Mas nauna pa siya na dumating kesa mga invited reporters.

Jun todo-suporta sa asawang si Perci

Very supportive husband si Jun Lana kay Perci Intalan, ang direktor ng Dementia.

Sinamahan ni Jun si Perci sa presscon ng Dementia bilang suporta sa kanyang asawa.

Asawa dahil legally married sina Jun at Perci. Pinag-usapan noon ang same sex marriage nila na ginanap sa New York.

Ang pagpapakasal nila ang lalong nagpatibay sa pagmamahalan nina Jun at Perci. Sila ang tipo ng couple na hindi mawawala ang love sa isa’t  isa kesehodang magkaroon sila ng Dementia na huwag naman sana mangyari.

Jake maghuhubad na naman sa fashion show

Rarampa bukas si Jake Cuenca sa The Naked Truth fashion show ng Bench.

Malapit nang umalis ng Pi­lipinas si Jake dahil mag-aaral siya ng acting sa Amerika.

Ang The Naked Truth ang last public appearance ni Jake kaya mag-expect tayo na gagawa siya ng ingay sa kanyang pagrampa.

Walang malisya sa katawan si Jake dahil hindi siya afraid na ipa-sight sa madlang-bayan ang kanyang naked body. Siya ang humalili sa trono ni Wendell Ramos na graduate na sa paghuhubad sa mga fashion show ng Bench.

vuukle comment

ANG THE NAKED TRUTH

CAMP CRAME

DENIECE

DENIECE CORNEJO

JAKE CUENCA

NORA

PERCI

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with