^

PSN Showbiz

Regine napapadalas sa bakuran ng Dos

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nagsimula nang mag-taping si Regine Velasquez ng Full House Tonight, ang weekly comedy-musical program ng GMA 7 na kanyang pangungunahan at makakasama niya si Boobay.

Marami ang natutuwa na may show na uli si Boobay at kasama pa si Regine. Sa February 18 ang simula ng airing ng Full House Tonight .

Hindi pa nagti-taping ang Mu­la­win vs. Ravena, ang isa pang show ni Regine. Tama ba ang na­rinig namin na reyna ang role ni Songbird dito?

Samantala, nadadalas ang sightings kay Regine sa ABS-CBN mula nang lumipat ang asawang si Ogie Alcasid sa Kapamilya Network. Sumasama si Regine sa asawa minsan gaya nang mag-taping si Ogie sa Gandang Gabi Vice kaya naman tuwang-tuwa ang mga kaibigan ni Songbird sa Dos ‘pag nakikita siya.

Sikat na aktres galit pa rin sa amang nang-iwan

Nakakalungkot naman ang sitwasyon ng aktres na ito dahil matagal na silang hindi nagkikita ng ama at wala pa silang komunikasyon. Umiling at malungkot ang mga mata ng aktres nang banggitin ng kausap nitong reporter na sigu­radong very proud sa kanya ang ama dahil kinikilala siyang “aktres” ngayon.

Parang walang ganang pag-usapan ng aktres ang ama at hindi siya masisisi dahil iniwan siya nito nang magkaroon ng ibang pamilya ang ama. Wala nang ina ang aktres at iniwan siya ng ama sa isa nilang malapit na kamag-anak na siyang nagpalaki sa aktres. Hindi nasubaybayan ng ama ang paglaki ng aktres at wala siya sa tabi ng aktres noong namurublema ito.

Nagtataka lang kami dahil nakakausap ng kapatid ng aktres ang kanilang ama, wala bang ginagawa ang kapatid para magkaayos ang kapatid at ang kanilang ama?

Sa tingin namin, matatagalan pa bago makalimutan at lumipas ang malaking tampo ng aktres sa ama sa naobserbahan naming reaction nito.

Indie Filmfest sa semestral pag-uusapan na sa Senado

Pinost ni Noel Ferrer ang invitation letter sa kanya ni Sen. Grace Poe na maging isa sa resource person sa hearing ng Committee on Public Information and Mass Media na si Sen. Grace ang chairperson.

Naka-schedule  sa January 24, 11 a.m. sa Senate Session Hall ang public hearing para pag-usapan ang pending bill tungkol sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ang bill ay tinawag na Senate Resolution No. 257, Recommending the Metro Manila Development Authority to Establish a Film Festival Exclusively for the Independent Films During the Long Semestral Break.

Kapag naipasa ang bill, wala nang indie films sa MMFF, tama ba kami? Kaya humingi ng opinion si Noel tungkol dito dahil malaking usapin na naman ito.

Ito rin ang isinusulong ni Sen. Tito Sotto, na ihiwalay ang indie films sa yearly MMFF.

Maricel handa na raw uling magtrabaho

Nakausap namin sandali si Mel Martinez sa taping ng Ika-6 Na Utos kung saan kasama siya. Isa siya sa mga umaapi kay Sunshine Dizon sa said series. Kinumusta namin kay Mel ang kapatid na si Maricel Soriano at kung kailan ito magiging active uli sa showbiz?

Sagot ni Mel, ready nang magtrabaho si Maricel, pero hindi nito binanggit kung kailan muling gagawa ng pelikula at TV show ang kapatid. Naghihintay lang siguro ng right offer si Maricel.

Maganda siguro kung pagsasamahin ng Regal Films sina Maricel at Christian Bables dahil pangarap ni Christian, masampal siya sa pelikula ni Maricel. Matutupad lang ito kung gagawa ng pelikula sa Regal ang aktres dahil dito nakakontrata si Christian.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with