^

PM Sports

Ika-6 panalo target ng Lady Pirates

Pang-masa

MANILA, Philippines - Target ng Lyceum of the Philippines Lady Pirates ang ikaanim na panalo sa kanilang pakikipagsagupa sa University of Perpetual Help Lady Altas ngayon sa 92nd NCAA women’s volleyball tournament na gaganapin sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Tangan ang 5-1 win-loss kartada para sa solo third spot, maaaring umakyat ang Lady Pirates sa ikalawang puwesto kasama ang Arellano Lady Chiefs kung mana-nalo ang tropa ni coach Emil Lontoc laban sa Lady Altas sa alas-11:30 ng umaga. Maghaharap naman ang LPU Pirates at UPHSD Altas dakong alauna ng hapon habang ang Mapua Cardinals ay makikipagtuos sa Emilio Aguinaldo College Generals sa alas-10 ng umaga.

Sa dalawang juniors matches, maglalaban ang EAC Brigadiers at Mapua Red Robins alas-8:30 ng umaga at ang LPU Junior Pirates ay haharap sa Perpetual Altalettes sa alas-2:30 ng hapon.

Kailangan ng tropa ni coach Lontoc na manalo ngayon laban sa Lady Altas upang umusad na ang isa nitong paa sa Final Four at makasama ang nangungu-na at wala pang talong San Sebastian College Lady Stags na hawak ang 7-0 card.

“It will be crucial for us because a win will send us closer to achieving our goal, which is to make the Final Four,” sabi ni LPU coach Lontoc.

Sa panig naman ng Lady Altas na tangan ang 3-3 card, gusto nitong pigilin ang kanilang tatlong sunod na talo para manatiling buhay ang pag-asang makapasok sa semifinal round.

Kung matatalo pa ang Lady Altas ng isa, nanganganib na ang kanilang hangarin na makapasok sa susunod na round. (FCagape)

vuukle comment

PHILIPPINES LADY PIRATES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with