^

Probinsiya

Misis patay sa sunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Namatay ang 41-anyos na misis habang malubha namang nasugatan ang kanyang mister matapos na masunog ang kanilang two-storey na bahay sa Brgy. Soquib, bayan ng Besao, Mountain Province noong Lunes ng madaling araw.

Sa ulat ni Cordillera Police Director P/Chief Supt. Elmer Francis Sarona, halos hindi na makilala ang bangkay ng biktimang si Jane Mey-ang. Isinugod naman sa Besao District Hospital ang mister nitong si Noble Ayson Mey-ang, 43, sanhi ng tinamong mga paso sa katawan at pagkabali ng buto nang tumalon sa bintana sa ikalawang palapag mula sa nasusunog na bahay.

Ayon sa imbestigasyon, naalimpungatan ang mag-asawa na nababalutan na ng makapal na usok ang kanilang bahay na nasusunog kung saan gumapang ang nasabing mister at tumalon mula sa bintana sa ikalawang palapag.

 Samantala, minalas namang makulong ng apoy ang misis nito kaya natusta kung saan narekober ang bangkay nito pasado alas-2 ng madaling araw.

Tinatayang aabot  sa P.2 milyong halaga ng ari-arian ang pinsala sa naganap na sunog.

vuukle comment

MISIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with