^

Police Metro

Lolo, lola, 3 apo todas sa sunog

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Limang miyembro ng isang pamilya ang nasawi nang makulong sa nasusunog nilang bahay sa bisperas ng fire prevention month kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Ang mga nasawi ay ang mag-asawang Ramon, 78 at Virginia Benjamin,68; tatlo nilang apo na sina Francine, 12; Franklin, 8 at John Lozano, 6, pawang magkakapatid.

Batay sa ulat, nangyari ang sunog dakong alas-8:30 ng gabi sa bahay ng isang Melanie Castro na matatagpuan sa Abbot St., Brgy. Southside, Makati City na boundary ng Taguig City.

Nabatid na natumba ang ginagamit na gasera at kandila ng pamilya Castro matapos umanong mag-away ang anak nito at kanyang manugang sa hindi pa malamang kadahilanan.

Ayon sa isa sa mga nasunugang si Nida Garin, wala umanong kuryente ang bahay ng pamilya Castro na gumagamit lang ng mga kandila at gasera.

Dahil gawa lamang sa kahoy ay mabilis na ku­malat ang apoy at kasama sa natupok ang bahay ng mga biktima na napag-alaman na masikip ang daanan kaya’t na-trap ang mga ito.

Sinisisi umano ng ama ng tatlong bata na si Frank Lozano ang pamilya Castro dahil sa kawalan ng kuryente at sinasabing madalas umanong mag-jumper sa illegal na koneksiyon ng kuryente.

Tinupok ng apoy ang 10 kabahayan na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang fireout dakong alas-9:40 ng gabi na kung saan ay nasa P200,000.00 mga ari-arian ang naabo.

vuukle comment

VIRGINIA BENJAMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with