^

Bansa

Robredo nanumpa bilang ika-14 na bise presidente ng Pilipinas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pormal nang nanumpa bilang ika-14 na bise presidente ng Pilipinas si ang tubong-Bicol region na si Leni Robredo ngayong Huwebes.

Pinangunahan ng dalawang kapitan ng barangay na sina Ronaldo Coner ng Barangay Punta Tarawal sa Calabangga, Camarines Sur at Regina Celeste San Miguel ng Barangay Mariana Quezon City ang panunumpa ni Robredo sa Quezon City Reception Hall.

Nanawagan para sa pagkakaisa ang dating kinatawan ng Camarines Sur na dinaig ang limang lalaking tumakbo para sa posisyon.

BASAHIN: Inaugural message ni VP Robredo

"Ang ating pagtutulungan ang ating pinakamabisang puhunan. Napatunayan na nating hindi sagabal ang anumang kakulangan sa totoo, tapat at pursigidong paglilingkod. Ang pagsubok ay kabilang mukha lamang ng pagkakataon," wika ni Robredo.

"Ang sandaling ito ay hindi lamang tungkol sa akin. Ito ang pagkakataon na makasama ang mga nasa laylayan tungo sa maginhawang buhay," dagdag niya.

Kasama ni Robredo ang kaniyang tatlong anak na sina Jillian, Tricia and Aika kung saan sila rin ang humawak ng Bibliya.

Dumalo rin sa kaniyang panunumpa ang naging running mate niyang si dating Interior Secretary Mar Roxas II, at ang presidential sister Kris Aquino na siya ring may pinakamalaking inambag sa kampanya ni Robredo.

Magkakaroon ng thanksgiving victory party na pinamagatang "Pagkakaisa at Pasasalamat" si Robredo  sa Quezon Memorial Circle mamayang alas-5 ng hapon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with