^

Bansa

Guardians para kay Chiz

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa malinaw nitong plataporma, inendorso ng Makabansang Unifikasyon ng Guardians, Inc. (MUG) ang kandidatura ni independent vice presidential candidate Sen. Francis “Chiz” Escudero.

“Para sa aming hanay, si Escudero ang naghayag ng malinaw na plano sa laban kontra kahirapan, at ang kanyang pagbibigay-lundo sa ‘walang maiiwan sa kapatiran’ ay nakabatay sa hangarin ng bawat isa na­ming miyembro at sa pangunahing layunin ng Guardians Brotherhood,” ayon kay Alex Quillope, MUG chairman of the Board of Governor.

Nanawagan din si Quillope na kilala bilang MUG-NC-APQ sa lahat ng mga kapatid na Guardians sa buong mundo na makiisa, sumali at sumuporta sa kandidatura ni Escudero “hanggang sa huling patak ng Dugo ng mga Guardians.”

“Di lamang bilang isang sagradong gawain para sa isang kapatid at para sa ikakabuti ng kapatiran kundi, mas mahalaga, bilang isang mabuting mamamayan para sa ikabubuti ng buong bayan” dagdag ni Quillope.  

Humanga rin ang Guardians sa track record ni Escudero bilang mambabatas, maging sa kanyang “matapang na adbokasiya” laban sa katiwalian at ang “paggiit nito sa legal na paraan laban sa krimen at terorismo.” 

Pinasalamatan naman ni Escudero ang endorsement ng Guardians sa kanilang pakikisa sa adbokasiya ng pagtutugon sa ugat ng kahirapan sa bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with