^

Bansa

Mall voting kinansela ng Comelec

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Balik sa dati ang lugar ng botohan matapos kanselahin ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang planong magdaos ng eleksyon sa mga shopping malls sa Mayo 9.

Sa botong 4-3 ay hindi na itutuloy ng Comelec ang mall voting na para sana sa mas maayos na lugar ng botohan.

"Many were already excited about voting in the malls. Now we will have to undo all of these," pahayag ni Comelec Chair Juan Andres "Andy" Bautista sa ABS-CBN News Channel.

Aabot sana sa 86 malls sa buong bansa ang magsisilbing presinto sa araw ng halalan.

BASAHIN: PNoy idineklarang holiday ang Mayo 9

Humingi ng paumanhin si Bautista sa iba’t ibang may-ari ng mga mall matapos lumabas ang desisyon ng Comelec en banc.

"We have to move on and if this is the decision, we will have to live with it. In the end, I really wanted to apologize to the voters who would have been benefited," dagdag niya.

Para sana sa mga senior citizen at may mga kapansanan ang pagdaraos ng botohan sa mall.

Sa kabila ng pagkadismaya ni Bautista ay umaasa siya na sa susunod na eleksyon ay maipatutupad ito.

Ang mga botante na sa mga mall dapat boboto ay didiretso na lamang sa mga dati nilang presinto.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with