^

Bansa

Napoles nagpiyansa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinayagan ng Sandiganbayan na makapagpiyansa ang tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles dahil sa kinakaharap na kasong plunder.

Sa resolusyon ng Sandiganbayan 4th Division, bukod kay Napoles, pinaboran din ang hiling na makapagpiyansa sa parehong kaso si Masbate Gov. Rizalina Seachon-Lanete.

Halagang P500,000 ang inirekomenda ng Sandiganbayan para sa pansamantalang kalayaan nina Napoles at Lanete.

Ayon sa anti-graft court, mahina ang evidence of guilt laban kay Napoles at Lanete sa kasong plunder na nagkakahalaga ng mahigit P64.404 million.

Nakasaad sa 77-pahinang resolusyon na hindi malinaw na nailahad ng prosekusyon ang partisipasyon ni Lanete sa kaso, gayundin ang kaugnayan nila ni Napoles.

Sa kabila ng nasabing desisyon ng Sandiganba­yan 4th division at kahit pa makapaglagak ng piyansa si Napoles ay mananatili pa rin ito sa Correctional Institution for Women matapos mahatulan ng 40-taon na pagkabilanggo sa kasong serious illegal detention na isinampa laban sa kaniya ni Benhur Luy.

Bukod pa rito, mayroon din iba pang plunder cases na kinakaharap si Napoles sa ibang dibisyon ng Sandiganbayan.

Samantala, sinabi ng grupo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) at multi-sectoral coalition Sanlakas na sama-sama silang tutulak sa harap ng DOJ ngayong alas-10 ng umaga upang magsagawa ng indignation rally para kondenahin ang ginawang pagpapalaya kay Napoles at Lanete na pawang idinawit sa multi-million PDAF scam.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with