^

Bansa

Junjun Binay pinuri ng COA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinapurihan ng Commission on Audit ang mga natamong tagumpay ng pamahalaang-lunsod ng Makati sa ilalim ng admi­nistrasyon ni Mayor Junjun Binay noong 2014.

Ipinahayag ng mga state auditor na ang Makati ay nakatanggap ng isang “Blue Certification Award” mula sa Ombudsman dahil sa mahusay na pagtalima sa pamantayang pangnegosyo na pabor sa mga negosyo at laban sa fixing.

Sinabi pa ng COA na kabilang sa mala­king nagawa ng pamahalaang lunsod ang kontro­bersiyal na Makati Science High School.

Sa taunang audit report na ipinalabas kamakailan, sinabi ng mga state auditor na 11 departments o offices ng lokalidad ang naisyuhan ng ISO certification dahil sa patuloy na pagsisikap at paghahatid nito ng mga may kalidad na serbisyo.

Pinagkalooban din anila ang lunsod ng platinum awardee ng ISO 37120 on Sustainable Development of Communities mula sa World Council on City Data na sumusukat sa mga nagagawa ng isang lunsod sa larangang sosyal, ekonomiya at kalikasan.

Nakatanggap din ang Makati ng most competitive city award sa 2014 Cities and Municipalities Index mula sa National Competitiveness Council na binubuo ng Department of Trade and Industry at ng pribadong sektor sa pakikipagtulungan ng United States Agency for International Development.

Bukod pa ito sa e-Readiness Leadership Award na ipinagkaloob sa Makati ng DILGt, DOST at DTI dahil sa inisyatiba ng lunsod sa pagsasanib ng information at communication technology para mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko, mapahusay ang pagkolekta ng buwis at isulong ang transparency sa sistema at operasyon nito.

Inireport din ng COA na pinondohan ng Makati ang 70 proyektong imprastuktura na nagkakahalaga ng P4.035 bilyon.

Lumilitaw sa rekord na 53 proyekto o 75.71 porsiyento ang natapos na kinabibilangan ng mga gusaling pampaaralang pampubliko, pambayang gusali, pasilidad palakasan at sentrong pangkalusugan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BLUE CERTIFICATION AWARD

CITIES AND MUNICIPALITIES INDEX

CITY DATA

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

INTERNATIONAL DEVELOPMENT

MAKATI

MAKATI SCIENCE HIGH SCHOOL

MAYOR JUNJUN BINAY

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with